Ngayun gusto ko namang isulat ang love story qoh...
mayroon kaming isang maliit na tindahan sa aming Barangay. Mabili naman sa amin lalu na kapag may mga okasyon malapit sa amin. nagloload din naman kami, yun nga lang smart lang. Smart kasi kami eh,hehehe joke lang. Isang araw may nagpaload sa akin na lalaki, hindi ko naman siya pansin nung mga araw na yuon. Hanggang sa ilang oras ang nakalipas ng biglang may nagtext sa cellphone namin na pang load. Aba, nakikipagtextmate. Siyempre ako naman itong adik makipagtext mate eh tinext gamit ang sariling cellphone ko. Nung una tinanung ko kung sinu siya tapos yon nagpakilala naman siya ng maayos. Nagpakilala din naman ako sa kanya. Hanggang sa nagkagaanan na nga kami ng loob. Sa totoo lang sweet siya magtext ng mga panahong iyon nun pala e nanliligaw na. Ayoko namang magpaligaw sa cellphone lang kaya tinext ko siya na kung gusto nyang manligaw pumunta siya sa bahay. Naku! aba'y malakas ang loob nagpunta nga ng bahay. Nung unang gabi niya na pumormal nagulat ako at nagmano agad kila mama. Siyempre nagulat din sila mama. Pero Okay lang yon. Makalipas ang 3 buwan na panliligaw ay sinagot ko na din siya. Naging tawagan pa nga namin nun"mahal" hehe. Pero pagkalipas ng 3 araw hindi ko alam kung anung reason pero nakikipagbreak na ko sa kanya, peru hindi siya pumayag.Eh di hindi na kami nagbreak. Nun ko naisip na masaya pala ang may boyfriend, may nagaalala sayo, laging cocerned sayo, tinatanubg kung kumain ka na at pagsinabi mong hindi ay naku pagagalitan ka pa. Pero okay lang yun ang saya nga eh... Ngayon 2 years and 9 m0nths na kami. Di ko akalain na aabot kami ng ganito katagal.
No comments:
Post a Comment